DAO NO.10-08 s2010
  Further amending the revised implementing rules and regulations of Act No. 3883, as amended, otherwise known as the Business Name Law.
   
   
   
  Diskwento Caravan Schedule 2013
   
   
   

Presyong Panalo Para sa Mamimiling Pilipino, ilulunsad

Magkakaroon ng pangkalahatang pagbaba sa presyo ng pangunahing bilihin sa kalye ng Basa at Burgos Avenue sa Lawton, Manila sa Agosto 15.

Handog ng DTI-NCR sa kanilang unang anibersaryo sa Park ?n Ride, sa pakikipagtulungan ng DOLE-NCR at NWPC ang ?Diskwento:Presyong Panalo para sa Mamimiling Pilipino?.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mamimili sa Metro Manila na makabili ng abot-kayang pagkain, gamot at iba pang produkto sa pamamagitan ng paghikayat sa mga manufacturers na magbenta ng mga ito sa presyong mas mababa kumpara sa karaniwan, o manufacturer?s price.

?Ang Diskwento ay base sa utos ni Pangulong Gloria Arroyo na maglunsad ng programang makatutulong sa ating mga kababayan sa gitna ng malawakang krisis sa pagkain at langis? Ani Assistant Secretary Angel L. Pelayo.

Ang 25 malalaking manufacturers kasama ang ilang ahensya ng gobyerno gaya ng Dept. of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) ay magbibigay ng mula sampu hanggang 70 porsiyentong diskwento sa bigas, gulay, karne at isda, mantika, sardinas, noodles, hotdog, tinapay, gatas, sabon, gamot at iba pa.

?Hindi lamang malaking tipid sa presyo ang makukuha ng ating mga mamimili. Libreng gupit at masahe, kalakip ang ilang libreng gamot at seedlings ibibigay din sa kanila? dagdag ni Asec. Pelayo.

Unang ginanap ang Diskwento sa Highway 54 noong Agosto 1 bilang karagdagang benepisyo sa mga empleyado. Sampung manufacturers ang nakilahok at nagbigay ng malalaking diskwento sa kanilang paninda. Halimbawa na lamang ang gamot na nagbaba ng mula 50 hanggang 70 porsyento sa presyo; mantika na may P45 bawas sa presyo; sardinas na may higit P2 diskwento; loaf bread na may P5 na bawas at marami pang iba.

Dahil sa libu-libong empleyadong dumagsa sa Highway 54, napagdesisyunan na palawakin ang Diskwento at dagdagan pa ang mga produktong ibebenta sa mas mababang halaga. Maliban sa Diskwento sa Kalye ng Basa at Burgos Avenue, ang Diskwento ay magaganap din sa FTI Taguig sa Setyember 1, Quezon City sa Setymebre 15 at sa iba pang lugar sa Metro Manila sa mga susunod na buwan.


Other News :